Kolorete by Colourette rebyu.
PRESYO: P999.00
MULA SA: Pinadala ng Colourette
MABIBILI SA: mga distribyutors ng Colourette; opisyal na website ng Colourette Cosmetics; Shopee.ph/colourettecosmeticsofficial
THE VERDICT:
Hello mga beshies! Gulat kayo no? Bigla akong nagtagalog. Welcome sa kauna- unahan kong tagalog na rebyu!
Makwento ko nga lang; noong nauna akong magtinda online sa Multiply (ang luma!), isa sa mga online shops ko noon ay tinawag kong GAMIT NA DAMIT; nagbebenta ako ng mga luma (pero magagamit pa!) na gamit. Tagalog lahat ng ginamit kong deskripsyon sa website pati pakikipag-usap sa tao; halos lahat kasi ng online shops noon ay ingles ang ginagamit; naisip ko, VAKET WALANG NAGTATAGALOG!?? Kaya ayun, naisipan kong magtagalog. Baka naman feeling lang ako, pero simula noong i-launch ko ang GAMIT NA DAMIT, marami nang sumunod na mga online shops na sumulpot na tagalog din ang ginamit na wika; inspired siguro nung shop ko! :)
Lately din sa aking social media, lalo na sa FB live, nagtatagalog na ako halos. Bakit nga ba ako nagtatagalog? Bakit hindi! Bukod sa napakaganda ng ating wika, nakakalungkot din isipin na ako'y mas sanay sa wikang Ingles kaysa sa wikang tagalog; Pilipino ako kaya bakit hindi ako magtagalog? Napakaganda ng ating wika; at kung gusto nating mapanatili at maitaguyod ang ating kultura, simulan natin sa pagmamahal sa ating sariling wika sa pamamagitan ng paggamit dito ng madalas.
Whew! Dami kong sinabi besh LOL.
Nakakatuwa din isipin na mayroong mga brands na gumagamit ng wikang Tagalog at ginagamit ang konseptong Pinoy katulad na lamang ni Colourette Cosmetics, isang Filipino cosmetics brand. Para sa buwan ng wika, naglabas sila ng limited edition na koleksiyon ng lipstik na tinawag nilang KOLORETE. Ipapakita ko ngayon sila sa blog post na ito!
Ang Kolorete by Colourette Cosmetics ay koleksiyon ng tatlong produkto para sa labi: dalawang Supramatte liquid lipstick at isang Liqlacquer Colourglaze lip gloss.
Nareview ko na sa naunang mga blog posts ang kanilang matte liquid lipsticks at lip gloss. Click mo ITO PARA SA SUPRAMATTE LIQUID LIPSTICKS REBYU o ITO PARA SA LIQLACQUER COLOURGLAZE LIP GLOSS REBYU.
LIQLACQUER COLOURGLAZE LIP GLOSS IN LAMBING
- Copper lip gloss na may semi- metallic na finish. Maganda itong shade na ito para sa karamihan. Dark din ng kaunti at nagbibigay ng warmth sa balat.
SUPRAMATTE LIQUID LIPSTICK IN GIGIL
- Ang ganda nitong shade na to, Beshie! Rusty warm orange na bagay na bagay sa morena at medium na balat; mas dark ang kalabasan nito sa maputi, pero ito yung tipo ng shade na bagay sa lahat!
SUPRAMATTE LIQUID LIPSTICK IN KILIG
- Brick red na shade. Bagay na bagay sa morena; ito rin yung tipo ng red na pwede mong suotin kahit anong okasyon, mapa umaga o gabi.
TBJ Beshies, alin dito ang bet niyo? Bet na bet ko si Gigil!
KOLORETE BY COLOURETTE RATING
Pumunta sa COLOURETTE COSMETICS on Facebook para bumili at sa impormasyon.
10 Comments
Bakit naman hindi eh buwan ng wika pa naman ngayon. Tongue twister ang dating sakin nitong bago nilang produkto. Nakaka-gigil at nakaka-kilig ang Gigil at Kilig ng kulay. Maganda! ^_^
ReplyDeleteAng gaganda ng mga pangalan nila! (Uy tagalog din hehe) Gusto ko yung Kilig ❤ Pwede kayo to mabili ng bukod bukod? O talagang tatlo agad? Sana tumagal yung gantong koleksyon nila. Ang gandaaa! 😍
ReplyDeletePinakagusto ko sa tatlo ay gigil. Napakagandang pagmasdan sayong labi nakakagigil talaga Binibining Martha. Gusto ko bumili kaso butas ang bulsa ko ngayon dahil sa mga regalo sa inaanak ang inuna ko. Grabe ang Septyembre umuulan nga pero tagtuyot ang bulsa..kaya Gigil na gigil si aqoe 😂
ReplyDeleteWow nilabas na pala ito napanood ko ito sa live ni Ms.Nina pag iipunan ko na ito sana makaabot sa limited edition nila
ReplyDeletemahusay na rebyu Binibini. Ang lambing mukhang babagay sa aking mga labi. Napakaganda nilang lahat. Mabuhay ang Kolorete:)
ReplyDeleteSalamat po sa Pagsusuri ng lipistik hehe..Nagustuhan ko yong unang larawan..LIQLACQUER COLOURGLAZE LIP GLOSS IN LAMBING..
ReplyDeleteCoooolll!! Even the whole blog is in Filipino <3 Maligayang Buwan ng Wika Ms. Martha!
ReplyDeletePangkat lambing ako lol. Ang hirap magkamali sa pagpipilipino. Malubha na ang kabagalan ko sa pagbasa ng Pilipino...sisikapin ko na magsanay ulit ng pagbabasa ng Pilipino.
ReplyDeleteAng ganda ng Lambing.. Kabighabighani.. Malambing akong tao kaya iyang kulay ang babagay sa aking mga labi 😊😊
ReplyDeleteI'm honestly so glad they're advocating our mother tongue in this line. Yay to patriotism! Very timely kasi nag buwan ng wika pa. So proud of their release for this! and smart too!
ReplyDeleteLet me know what you think of this post! :)